Ipagkakaloob ni Hesus ang labing dalawang (12) Pangako sa mga tutugon sa pagnanais ng Kanyang Sagradong Puso at taimtim na gagawa ng paraan upang ibalik ang Kanyang Pagmamahal.
- Bibigyan ko sila ng mga biyayang kailangan sa kanilang estado sa buhay.
- Magtatatag ako ng kapayapaan sa kanilang mga tahanan.
- Pagagaanin ko ang kanilang mga pagdurusa.
- Ako ang kanilang magiging kanlungan ng kaligtasan sa kanilang buhay at, higit sa lahat, sa kanilang kamatayan.
- Magbibigay ako ng maraming biyaya sa lahat ng kanilang Gawain.
- Ang mga makasalanan ay makakatagpo sa Aking Puso ng ugat at dagat ng walang hanggang awa.
- Ang mga maligamgam na kaluluwa ay magiging masigasig.
- Ang mga kaluluwang masigasig ay mabilis na aangat sa kasakdalan.
- Pagpapalain Ko ang bawat lugar kung saan ang larawan ng Aking Sagradong Puso ay nakalantad at pinaparangalan.
- Bibigyan ko ang mga pari ng kakayahan upang dampian ang mga tumigas na puso.
- Ang mga pangalan ng mga magsusulong ng debosyong ito ay masusulat sa Aking Puso.
- Aking pangako mula sa labis na maawain Kong Puso, na ang Aking pinaka-makapangyarihang Pag-ibig ay ibibigay sa lahat ng tatanggap ng Komunyon sa Unang Biyernes ng magkakasunod na siyam (9) na buwan ang biyaya ng huling pagpapakasakit; hindi sila mamamatay sa Aking kahihiyan, at sila ay makakatanggap ng mga sakramento. Ang Aking Banal na Puso ang kanilang magiging ligtas na kanlungan sa mga huling sandaling ito.