• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • English
  • Español
  • Français
  • Tagalog

Pang Daigdig na Pagluklok sa Sagradong Puso

Tumutulong sa Mundo upang Mailuklok ang Sagradong Puso

  • Iluklok ang Inyong Tahanan
    • Katolikong Pamilya, may 9-na araw ng Nobena
    • Katolikong Pamilya
    • Katolikong Nag-iisa
    • Kristiyanong Pamilya o Nag-iisa
    • Mga Sertipiko sa Pagpaparangal sa Tahanan
  • Labing dalawang (12) Pangako
  • Imahen
  • Kasaysayan
  • Maging Apostol
  • Pagtataguyod
  • Makipag-ugnayan
“…palagiang pagpapa-alala na si Hesus
ang tunay na pinuno ng ating pamilya.”
– Obispo Anthony B. Taylor

Si Anthony B. Taylor, Obispo ng Little Rock, ay itinataguyod ang pagluklok ng inyong puso at tahanan sa Sagradong Puso. Basahin ang kanyang mga salita sa ibaba.

“Nais kong himukin ang bawat isa sa inyo na tanggapin ang pagkakataong ito upang iluklok ang Sagradong Puso ni Hesus sa inyong puso at tahanan. Ang aking mga magulang ay iniluklok ang Sagradong Puso may animnapung (60) taon na ang nakararaan at ang imahen ng Sagradong Puso ay may pagpupuring nananatili sa dingding ng aming sala mula noon. Taun taon ay inilalagay ng aming pamilya ang mga palaspas na aming natatanggap sa Linggo ng Palaspas sa likuran ng larawan ni Hesus at ang mga ito ay mananatili doon hanggang ang mga ito ay mapalitan sa susunod na Linggo ng Palaspas. Ang nailuklok na imahen ng Sagradong Puso ni Hesus ay palagiang nagpapa-alala na si Hesus ang tunay na pinuno ng aming pamilya. Si Hesus ang tumutulong sa amin, at ang kanyang imahen ang nagsisilbing tanda ng kanyang pamalagiang pagmamahal at sanggalang para sa aming malaking pamilya— at lahat kaming pitong (7) mga anak na pinalaki sa tahanang iyon ay patuloy na masugid na mga Katoliko hanggang ngayon! Ako ay naniniwalang ang Pagluklok ng Sagradong Puso ni Hesus ay magdadala rin ng mga biyaya sa inyong pamilya.”

Salamat sa lahat ng inyong mga ginagawa lalo na sa inyong mga panalangin.

Taos puso kay Kristo,

Anthony B. Taylor
Obispo ng Little Rock

"Huwag itulot na ang nakaraan ay makaabala sa iyo,
iwan ang lahat sa Sagradong Puso at magsimulang muli sa kagalakan."
- Mother Teresa

©2025 Pang Daigdig na Pagluklok sa Sagradong Puso | Ang website na ito ay pinapanatili ni Christine Jochum